Ang mga link ay hindi lang tool para sa Search Engine Optimization (na nabanggit sa Kab. 4, mga traffic methods). Maaring maituring na links ang dugo ng Internet — nagdadala ng tiwala, ng traffic, at visibility sa tatlong magkakaibang paraan: pang-araw-araw na paggamit ng mga tao, search engines, at Artificial Intelligence na rin.
Kapag naririnig ng karamihan ang salitang “link,” agad naiisip ang SEO — mga backlinks, Domain Authority, at Page Rank. Ngunit ang katotohanan ay mas malawak kaysa doon. Ang isang link ay nagsisilbing tatlong bagay nang sabay-sabay: isang tulay para sa mga tao, isang boto para sa mga search engine, at isang patunay ng kredibilidad para sa mga AI system.
nagdadala ng aktwal na bisita — referrals, social shares, direktang clicks
nagpapataas ng ranking at nagpapatunay ng awtoridad sa Google at iba pa
nagpapakita ng kredibilidad at nagpapataas ng posibilidad na ma-recommend ng Artificial Intelligence (AI) platforms o mga gumagamit ng Large Language Models (LLM)
Ang inbound link (o backlink) ay galing sa ibang site patungo sa website mo — ito ang pinaka-mahalaga sa SEO.
Ang internal link ay nagkokonekta ng web-pages sa loob ng isang website — madalas na nakalimutan ngunit napakahalaga.
Ang affiliate link ay may espesyal na tracking code na nagtatala kung sino ang nagpadala ng visit at benta.
Mga konkretong halimbawa
Sa mata ng Google, ang isang link mula sa ibang website patungo sa iyo ay parang boto ng tiwala. Mas maraming kalidad na backlink = mas mataas ang iyong “authority” = mas mataas ang ranking sa search results. Ito ang pundasyon ng SEO link building — at para sa mga affiliate marketer na nagpapatakbo ng content sites, ito ang laro.
Ito ang pinakabago at pinaka-hindi naiintindihang dimensyon ng link building. Habang lumalaki ang paggamit ng mga AI tulad ng ChatGPT, Claude, at Gemini bilang pangunahing search tool ng mga tao, isang bagong tanong ang lumabas: paano malalaman ng AI kung dapat nito irekomenda ang iyong brand o link?
Ang mga LLM ay sinanay gamit ang napakaraming datos mula sa internet — kabilang ang mga website, artikulo, forum, at nilalaman na may mga link. Kapag paulit-ulit na nire-reference ang iyong brand o site sa iba’t ibang pinagkakatiwalaang lugar sa web, mas malaki ang posibilidad na ma-train ang AI na alam ka — at mas malaki ang posibilidad na irekomenda ka nito sa mga gumagamit.
Para sa freelancer
Para sa affiliate marketer
Salamat sa iyong pag-access nito!
Ako po si Jayson Guevarra, isang Romano Katolikong Kristiyano, ang esposo ni April (Maria Melissa), at ang Daddy ni Noe at Mati.
Ako ay isang Filipino na nagnanais magbahagi ng aking natutunan at karanasan tungkol sa Internet Marketing. Tinatawag din akong sonjay ng mga taong malapit sa akin, at dumarami na rin ang tumatawag sa akin ng Bro Jayson.
Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.
Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.