ni Bro. Jayson Guevarra
Ito yung pinagkasunduan natin:
Nagagawa lamang ng Internet na mapabilis at mapalawak ang ganitong sistema ng kitaan.
Mula sa “Paano Kumikita sa Tunay na Buhay” <<< pwede mong balikan diyan.
Nasaan Ang Pera Sa Internet?
(WHERE IS THE INTERNET INCOME?)
Malinaw na ba kung nasaan ang pera sa Internet?
Tama. Nasa “Marketing.”
Nasa gumaganang “Promotion.” Naroon ang kita sa Internet. Linawin natin nang unti-unti. Lahat ng hinihingi ng mga negosyo o clients – articles, web design, music, videos, atbp. – lahat iyan ay bahagi ng kanilang OVERALL MARKETING STRATEGY.
Balikan natin ang restaurant business na halimbawa natin kanina. Hangga’t maraming nakakakita, nakakabisita, nakakatuklas sa restaurant ni business owner, masaya siya! Dahil sa marami ang maaaring maging customer niya!
Kaya kung mas lilinawin pa natin, ang gusto ng online business owners (clients) ay dumami ang TRAFFIC sa kanilang website! Kung walang traffic, walang makakatagpo sa kanilang product o service, walang bibili, walang papasok na pera, at mamamatay ang business!
ONLINE TRAFFIC ANG DUGONG BUMUBUHAY SA ANUMANG ONLINE BUSINESS.
Itong visits, itong Online Traffic ay resulta ng pag- promote, resulta ng lahat ng marketing efforts, kasama ang mga libre lang at pati paid advertisements.
Sa Chapter 3 ay ipinaalam ko ang iba’t-ibang Online Business Models, at sinabi kong magbibigay ako ng payo kung ano ang nararapat para sa iyo ayon sa iyong sitwasyon.
Modernong Gold Rush
Noong 1950’s, libu-libong tao ang nakipagsapalaran sa tinatawag na ngayon sa kasaysayan bilang “Gold Rush.” Napakaraming tao ang sabay-sabay na hinanap ang ginto sa Amerika. Sa mga naghanap ng ginto, wala pang 1% ang yumaman.
Gayunman, maraming negosyo ang umusbong! ‘Yung mga nagbenta ng pala para magamit sa paghuhukay, kumita sila. ‘Yung mga nagbenta ng maiinom para sa mga naglalakbay, kumita sila. ‘Yung nagbenta ng mapa, ng pansamantalang masisilungan, flashlights, radyo, sombrero, damit, sapatos… sila ang nakatagpo ng “ginto.”
Gusto ng clients na mai-promote ang kanilang business, syempre! Kaya nga ang Online Earning Industry ay tinatawag ding Internet Marketing.
Paano Pagkakakitaan ang Internet
– Sitwasyon at Pagplano
Napakahalaga na malinaw ang sitwasyon mo sa kasalukuyan, para may direksyon at makapagplano. Alamin ang identity ayon sa iyong OFFERS, at sa pagiging ONLINE MARKETER.
a. OFFERS: Physical V.S. Digital
Mas PHYSICAL ba ang magagawa mo? Physical Provider ka kung..
Pinagkakakitaan mo ngayon ay produktong nahahawakan o tangible (halimbawa, pagbebenta ng tasa, ng kotse, ng pagkain, atbp.), o kaya naman ay meron kang karanasan sa ganito.
Pinagkakakitaan mo ngayon ay serbisyong nadarama o tangible (halimbawa, empleyado sa opisina, pagiging driver ng sasakyan, karpintero, tumatanggap ng konsultasyon tulad ng abogado o doktor, atbp.), o kaya naman ay meron kang patunay na naisagawa mo ang mga ito (tulad ng diploma, driver’s license, at ibang dokumento).
Mas DIGITAL ba ang magagawa mo? Isa kang Digital Provider kung ganito ang paglalarawan sa iyo:
Pinagkakakitaan mo ngayon ay produktong di-nahahawakan o kailangan pa ng ibang kagamitan para mapakinabangan, intangible (halimbawa, pagbebenta ng CDs ng pelikula o music album, software, games, atbp.), o kaya naman ay meron kang karanasan sa ganito. Ikaw ang nagbebenta, pero hindi ikaw ang gumawa ng produkto.
Pinagkakakitaan mo ngayon ay serbisyong ginawa mo na kailangan pa ng ibang kagamitan o ng Internet para mapakinabangan (halimbawa, empleyado na work from home, paggawa ng websites o videos, pagsagawa ng promotions o marketing, pagsagawa ng research o lead generation, atbp.), o kaya naman ay meron kang patunay na naisagawa mo ang mga ito (tulad ng diploma, resume, at mismong websites). Gumagawa ka ayon sa hinihingi ng kliyente o kailangan ng pagkakataon.
b. AS ONLINE MARKETER: Beginner V.S. Expert
Ang Business Models na ipinakita sa Chapter 3 ay mga paraan para pagkakitaan ang Internet. Pero, meron pa ring Marketing Models na tumutukoy naman sa sistema o strategies paano makakapag- promote ng anumang offers:
Social Media Marketing = ang makita at makipag-ugnayan sa social networks (getting visibility and engagement from users of social networking sites), kasama na ang paggamit ng videos
Email Marketing = pag-abot at pagbuo ng ugnayan sa pamamagitan ng pag- email (reaching out and building relationships via sending email messages)
Search Engine Optimization = paraan para magkaroon ng mataas na posisyon sa search engines tulad ng Google, para sa mga keywords na naglalarawan sa iyong website (getting top 3 rankings in search results, for keywords describing your website)
Offline / Local Marketing = paggamit ng mga pamamaraan na hindi naka- connect sa Internet, para naman maipakita o mai- promote ang iyong website at iba pang meron ka na online o digital (using non-online ways to promote your website and online assets)
AI (Artificial Intelligence) Visibility = isang upgraded form ng Search Engine Optimization / SEO, kasama na ang paggamit sa mga mas bagong AI tools
Paalala po: ang ipinakita ko dito ay mga paraan na pwedeng maibukod batay sa pinaka- ginagamit na platforms ngayon. May ideya ka ba kung alin diyan ang pinagkakakitaan ko? 😉
Mas importanteng tanong.. bilang Online Marketer, maituturing mo ba ang sarili mo bilang BEGINNER o EXPERT?
Beginner ka kung bago pa lang sa iyo ang karamihan sa tinalakay ko sa e-Report na ito. Beginner ka kung.. kahit may karanasan ka sa mga nabanggit na marketing strategies, ay hindi naman tuloy-tuloy ang magandang resulta na nakukuha mo. Maaring wala kang sinusundan na mga hakbang, maaring wala kang paraan para matukoy ang iba-ibang epekto ng mga ginawa mo.
Expert ka kung may karanasan ka sa mga nabanggit na marketing strategies (o iba pa), na ang resulta ay pinagkakitaan mo na nga, at maaring kumikita ka nang hindi minsanan lang. Maaari ding may mga batayan ka para malaman kung gumagana ba ang ginagawa mo. Turuan mo naman kami. 😉
Kung Expert ka na at binabasa mo pa rin ito, marahil binabasa mo ito kasi meron kang dagdag na natutunan, o kaya naman ay interesado ka sa anumang maari kong maidagdag sa iyong online career. Salamat.
c. Pagbuo ng Plano
Lagi kong sinasabi sa tuwing meron akong itinuturo, magiging makabuluhan lang at makahulugan ang natututunan mo kung kikilos ka. Kaya, mabuting kumuha ka ng papel, pwede mong isulat ang mahalagang natutunan mo, at mas mahalagang sagutin mo ang mga tanong dito. Lagyan mo ng detalye kung kinakailangan.
Muli, ang mga tanong na dapat malinaw ang sagot mo:
Mas Physical o Digital ba ang OFFER ko? Ano/ anu-ano ito?
Mas Beginner ba ako o mas Expert pagdating sa online marketing?
Naihanda ko na ba ang requirements para pagkakitaan ang Internet? (ayon sa listahan sa Kab. 2 dito) Alin ang meron na, o madali kong maihahanda? Alin ang kailangan ko ng tulong?
Meron ba akong magagamit na gadget (laptop, cellphone, atbp.) para pagkakitaan ang Internet?
Handa ba akong maglaan ng oras para mag-aral at matuto? Ilang oras sa bawat araw, tuwing kailan?
Handa ba akong kumilos para mai- promote ang OFFER(s) ko? Ilang oras sa bawat araw, tuwing kailan?
Sa pamamagitan ng mga sagot mo dito, mas alam mo na ang sitwasyon mo at makakabuo ka ng plano, at mas matutulungan kita kung maraming detalye ang matukoy mo.
Mahalagang Malaman: May karanasan ka ba sa iba-ibang paraan ng online promotion / marketing? Alam mo ba na pag- post at share sa social sites, ay kulang? Kung may iba pang paraan kang ginagawa, kumusta naman ang resulta?
Ang maaaring dagdag na mga tanong sa iyong isipan:
“Paano kung kaunti lang ang alam ko sa marketing, o sa digital services, o wala talaga? Paano kung kaunti lang ang panahon ko?”
Huwag kang panghinaan ng loob dahil kung hindi mo saktong gusto ang mga sagot mo sa huling mga tanong, ay may pag-asa pa. Pwede kitang tulungan..
Halos ito na ang dulo ng Training Guide, na- cover na natin ang basics.. malinaw na ba sa iyo ang susunod mong dapat gawin?
Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.
Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.