
Ang pamagat ng page na ito — “Paano Kumikita sa Tunay na Buhay” — ay maaring nakakatawa o nakakapagtaka. Ang Internet kasi ay bahagi pa rin naman ng tunay na buhay, diba? 😉
Pero ang dapat mapagtuunan at mapagdiinan dito ay, kung aalisin muna natin ang Internet (o online world) para sikaping mapasimple ang mga konsepto, mananatili ang isang katotohanan para kumita:
Ang OFFERS ay maaring —
PRODUCTS – produkto, na nahahawakan, tangible items, tulad ng bola, libro, sapatos, appliances, atbp. .. o kahit nga “digital” products na pwede lang ma- access sa pamamagitan ng paggamit ng gadgets, tulad ng software, games, websites tulad nito, ebooks, atbp.
SERVICES – na maaring tangible din, tulad halimbawa, ang empleyado ay binabayaran para gamitin ang kanyang skills. Ang doktor ay binabayaran para makagamot .. pero pwede ring digital / online services, tulad ng marketing at lead generation.
Merong tao, na may-ari ng pera, na bumibili o nagbabayad para sa anumang alok na binebenta.
Ibig sabihin, hindi basta makagagawa ng pera ang Internet. Dahil, lahat ng pera ay merong nagmamay-ari na, mga tao, mga negosyo na nasa likod ay mga tao rin.
Ibig sabihin pa rin, merong pera na ipinapambili. Merong palitan na nagaganap — kapalit ng OFFERS, ipinambabayad ang MONEY ng BUYERS.
Ang lahat ng nangyayari at kinakasangkapan para magtagpo ang OFFERS at BUYERS para nga makabili at ipambayad ang pera / MONEY — ganito ang nakapaloob sa sistema na natutunghayan natin sa mga negosyo o pinagkakakitaan.
Nagagawa lamang ng Internet na mapabilis at mapalawak ang ganitong sistema ng kitaan.
Dapat ay nagkakasundo tayo dito, dahil ang konseptong ito ay makatutulong para maunawaan natin ang iba pang kailangan para magpagana ng isang sistema ng kitaan, gamit ang Internet.
Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.
Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.