Kabanata 1.

Pwede Tayong Kumita Online

[ Gabay Para Kumita Online ]

ni Bro. Jayson Guevarra

Salamat sa iyong pag-access nito!

Ako po si Jayson Guevarra, isang Romano Katolikong Kristiyano, ang esposo ni April (Maria Melissa), at ang Daddy ni Noe at Mati.

Ako ay isang Filipino na nagnanais magbahagi ng aking natutunan at karanasan tungkol sa Internet Marketing.  Tinatawag din akong sonjay ng mga taong malapit sa akin, at dumarami na rin ang tumatawag sa akin ng Bro Jayson.

Ito ay isang LIBRENG “e-REPORT” o Training Guide.  FREE.  Pero palagay ko, napakahalaga nito, dahil wala pa akong nakitang katulad nito sa mahigit dalawang dekada ko bilang online earner.

Siguradong may dahilan at mapapakinabangan ka sa pag- access mo nito.

Ang paraan ng pagkakasulat ng e-Report na ito ay tatawagin kong “Conversational Filipino”.  Ito ay ang paggamit ng pinagsamang Filipino at English language, hindi Tag-lish ang intensyon ko, pero mas importante sa akin na makilala ninyo ako bilang totoong tao, totoong Filipino, at hindi isang nilalang o entity na hindi ninyo maiintindihan.

Hangga’t maari, sana ay nagkakasundo tayo sa ipinaliwanag ko dito: Paano Kumikita sa Tunay na Buhay.

Ang paraan din ng pagkakasulat nito ay sa pag-aakalang pamilyar ang mambabasa sa mga “terminologies” na pinakamadalas gamitin sa Internet at Computer, at madali lang maintindihan.

Home-based business, online business, Internet business, freelance job… anuman ang ginagawa mo, basta kumikita ka ng pera gamit ang Internet nang tuwiran, ikaw ay kabilang sa malaki at lumalaki pang Internet Marketing Industry.

Halimbawa nito ay iyong nasa BPO / Business Process Outsourcing Companies – kahit na ikaw ay narito sa sarili mong bansa at may maituturing na “traditional” o “regular job”, dahil sa ang hanapbuhay mo ay kailangang makipag-ugnayan sa mga tao sa pamamagitan ng Internet, sa totoo lang ay bahagi ka ng Industriya ng Internet Marketing.

Iyong mga taong merong Internet Café / shops, sila ba ay kabilang sa IM Industry? Hindi. Bakit? Ang business ng mga taong merong Internet shops ay upang matulungan ang customers na maka-connect sa Internet. Hindi sila kumikita gamit ang Internet, hindi sila online earners. Kumikita sila sa sa pagtulong sa kanilang customers sa na maka-connect sa Internet.

Kakailanganin ng pagsaliksik pa o research ang iba pang mga konsepto na matatagpuan sa e-Report na ito, pero hangga’t maaari ay pinasimple ko na para mas mabilis maintindihan at masundan. Kaya ko rin nga tinatawag itong e-REPORT, ay dahil bunga ito ng research at karanasan ko.

Sa Kab. 2 makikita ang mga dahilan kung paanong handang-handa na ang Kulturang Filipino para mamayagpag sa IM.  Sa Kab. 3 ay ilalahad ko ang iba’t-ibang Online Business Models na maaaring pagpilian, at sa Kab. 4 ay ituturo ko kung nasaan ang pera sa Internet.

Paalala: ang mga nakapaloob dito ay pwedeng bumago sa iyong mga pananaw tungkol sa paggamit ng Internet.  At hangad ko na maging matagumpay ka gamit ang sistema na matututunan mo mula sa “e-REPORT” na ito!

Okey, ipagpatuloy na natin!

Highly Recommended next steps!

Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.

Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.

YES, libre pa rin ang ganitong trainings.