Angkop na Online Business Model
(THE APPROPRIATE ONLINE BUSINESS MODEL)
Nakatuon ang chapter na ito sa iba’t-ibang business models na maaari mong pagpilian sa pagsisimula ng iyong IM career. Karamihan sa pinagkakakitaan sa Internet ay nakasandal sa kumbinasyon ng dalawa o higit pang business models dito.
Bawat model na babanggitin ko dito ay bibigyan ko ng paliwanag gamit ang S.W.O.T. Analysis – ilalahad ko ang Strengths o benefits, Weaknesses o disadvantages, Opportunities o potentials, at Threats o pressures – upang makatulong sa ating pag-decide. Sa Chapter 4, magbibigay ako ng payo na nakapatungkol sa iba’t-ibang sitwasyon.
Ang mga nangungunang Online Business Models ay:
Affiliate Marketing
Blogging
Online Freelancing
Online Network Marketing
Niche Marketing
Internet Marketing Mainstream
Chapter 3.1. Affiliate Marketing
Tandaan, ang pinakasimpleng paraan ng pagpapatakbo ng business, kahit sa Internet, ay ang maipakita sa maraming tao ang iyong iniaalok na products o services.
========
Ang pagpapakita o pagpapapunta sa online users sa isang webpage o website ay ang tinatawag na “traffic” sa Internet. Kung sa offline world, lalo sa Pilipinas, ay ayaw ng mga tao ang matinding traffic, ang online business naman ay nabubuhay sa maraming traffic! Ang “marketing” ay pinakamadalas na sinusukat din sa pamamagitan ng traffic.
========
Kanina sa Chapter 2 ay nabanggit na pwedeng mag-alala ang isang baguhan sa IM kung ano ang kanyang magiging produkto.
Sa Affiliate Marketing Model, ang isang Internet Marketer ay maaaring makapag-alok ng product na iba ang may-ari, at kikita ng commission mula sa mabibiling products.
Marami ang nagsasabi na ang model na ito ang isa sa pinaka-mapagpalang business at madaling simulan. Affiliate ang tawag sa iyo kapag nag-promote ka ng product/ service na hindi mo ginawa pero kumikita ka sa pamamagitan nito.
Affiliate Marketing – Strengths
• Hindi mo kailangan ng sarili mong website para simulan ito.
• Hindi mo kailangang gumawa ng sarili mong products, focus mo lang ay maipakita sa maraming tao (traffic) ang product na recommended mo, at hihintayin mong dumating sa payment processor account mo ang bayad sa iyo.
• Maaari kang kumita ng commissions mula 30% hanggang 100% ng presyo ng products!
Affiliate Marketing – Weaknesses
• Siyempre kailangan mo ng maraming traffic para masukat mo talaga ang iyong kikitain.
• Kailangan mong mag-research ng isang maayos na Affiliate Program na alam mong marami ang matutulungan ng product.
Affiliate Marketing – Opportunities
• Napakaraming Affiliate Programs sa Internet, at araw-araw ay may idinadagdag na makabago at makabuluhang products.
• Dahil sa buong mundo ang audience, kahit saan ka tumingin sa Internet ay may nangangailangan ng affiliates!
Affiliate Marketing – Threats
• Libu-libong affiliates ang gumagawa ng promotions. At iyong katulad mong affiliate sa isang product ay kakumpetensiya mo.
• May mga “established” affiliates na meron ding sariling grupo ng affiliates na gumagawa para sa kanila.
Chapter 3.2. Blogging
Maituturing na pinakasimpleng simulan na online business ay ang paggawa ng blog. Kahit sino ay pwedeng gumawa ng blog, kahit pa nga iyong mga hindi marunong magsulat (pwedeng gumawa ng picture blog).
Ano ba ang Blogging Model? Ibig sabihin ng Blog ay pinaikling web log, na tumutukoy sa isang website o webpage na mabilis mabago o madagdagan o ma-update.
Ngayon, mas kinikilala ang blogging bilang pag-iingat ng isang online diary. Bloggers ang tawag sa mga may-ari ng blogs.
Blogging – Strengths
• Ano ang pwede mong ilagay sa blog site mo? Kahit ano! Pwede kang magsulat tungkol sa kung ano talaga ang mga gusto mo sa buhay, at kapag “malaman” at kapakipakinabang ang mga sinusulat o pictures mo sa blog, automatic na pupuntahan ka ng mga taong kapareho mo ng interes.
• Mura lang ang pagsisimula ng isang blog, aabutin ng mga P10k sa isang taon, at pwede ka pa nga gumamit ng libreng blog companies para gawin ang blog site mo!
• Sa iyong pagsisimula, lahat ng mga kakilala mo ay ang iyong magiging audience agad!
• Ang isang blogger ang may pinakamataas na credibility rating at pinakamapagkakatiwalaan sa kanyang recommendations! Bakit? Napaka-personal ng isang blog. Ang pagkakaroon ng blog ay nagpapatunay na isa kang tunay na tao, na maaaring mag-benefit ang iba mula sa mga pananaw at suggestions mo.
Blogging – Weaknesses
• Maaaring tumagal ang pagdating ng traffic sa site mo. Ang isang blogger na regular na naglalagay ng content sa kanyang blog (mga 3 beses sa loob ng isang linggo) ay maaaring makita ang resulta ng kanyang pinagpaguran pagdating pa ng isa hanggang dalawang taon!
• Kung gusto mong mapabilis ang resulta ay kailangan mong mag-blog ng mas maraming beses at makipagpalitan ng blog links sa iba pang bloggers na maaaring “relevant” o maiuugnay mo sa iyong topics sa blog.
• Isasaalang-alang mo kung ano ba talaga ang kailangan ng audience mo o target market mo. Kadalasang ginagamit ang isang blog kasabay ng isa pang Online Business Model para mapatindi ang resulta, kaya dapat may kaalaman ka rin sa ibang models.
Blogging – Opportunities
• Hindi ka man basta-basta kikita sa Blogging Model, pero pwede ka namang mag-blog para sa iba para kumita!
Blogging – Threats
• Merong isang blog na nabubuo sa bawat DALAWANG SEGUNDO saan man sa mundo, kaya matatantiya mo kung gaano katindi ang competition!
Chapter 3.3. Online Freelancing
Masasabing ang pinakamabilis na paraan para kumita sa Internet, mag-alok ka ng iyong services bilang Online Freelancer na nakasandal sa iyong pinakamahusay na mga kakayahan, at mabayaran ka sa pamamagitan ng iyong gawa o outputs.
Online Freelancing – Strengths
• Mabilis at madaling kumita kung alam mo kung paano ka matutunton ng nangangailangang kliyente. Maituturing na parang meron ka ring “traditional” na trabaho, pero mas flexible kumbaga, mas hawak mo ang oras mo!
• Maaari kang gumawa ng projects at pumili ng gagawin, na hindi mo kailangang isipin kung ano ang isusuot mo o kung saan ka magtatrabaho. Ang kailangan lang ng kliyente ay ang finished output mula sa iyo!
• Pwede mo itong isabay sa ibang Online Business Model, o kaya naman ay magpatuloy ng traditional job mo habang meron kang freelance projects!
Online Freelancing – Weaknesses
• Ang pagiging freelancer ay pagiging “expert” sa isa o iilang gawain, kung kaya dapat lang na meron kang maipagmamalaking skill o kakayahan.
• Dapat ay maglaan ka rin ng oras para gumawa ng outputs na mahusay ang quality pero hindi ka maaaring bayaran –ang ganitong outputs ay magiging bahagi ng iyong portfolio.
• May mga kliyente rin na manghihingi ng “fresh samples” mula sa iyo.
• Karamihan ng freelance outputs ay one-time ka lang mababayaran, pero may pagkakataon na ang kliyente mo ay magagamit ito upang kumita sa iba’t-ibang paraan.
Online Freelancing – Opportunities
• Ang may kaalaman sa Web Development, Architecture, Writing, Graphics Design at iba pang talents ay sobrang “in-demand” sa Internet!
• Kung wala ka pang maituturing na kakayahan kung saan mahusay ka, maaari kang magsimula sa mga Data Entry na projects. Kailangan mo lang ng computer at Internet access!
Online Freelancing – Threats
• Kakumpetensiya mo ang napakaraming freelancers, na malaking percentage ay nag-aalok ng services nila nang sobrang mura!
• Kailangang matuto kang umiwas sa scams!
Chapter 3.4. Online Network Marketing
Kung meron kang karanasan sa Network Marketing o Multilevel Marketing (MLM), matutuklasan mong mas malawak ang potential ng pagiging Online Network Marketer. Tandaan mo –1% of a hundred people’s efforts!
Online Network Marketing – Strengths
• Katulad ng Affiliate Marketing, hindi mo kailangang makipagkita sa mga tao para alukin ng opportunity.
• Ang buong mundo ang maituturing mong prospect sa pagbuo ng iyong downline groups.
Online Network Marketing – Weaknesses
• Kapag online na, malaki ang pagkakataon na ituring ng downline groups mo na hindi ka nila pwedeng ma-reach o kaya naman ay hindi sila makabuo ng personal relationships sa kanilang upline leaders.
Online Network Marketing – Opportunities
• Mas marami kang maaalok sa mas konting oras na gugugulin mo.
• Mabilis mong matutukoy ang iyong prospects at ang iyong magiging downlines, dahil handa silang malaman kung paano sila kikita sa pamamagitan ng leadership mo.
Online Network Marketing – Threats
• Maaaring maging mataas ang attrition rate. Hindi na maituturing na maganda ang loyalty ng downlines dahil sa sobrang dami ng opportunities sa Internet.
Chapter 3.5. Niche Marketing
Niche Marketing ang tawag sa Online Business Model na nakatuon sa isang target audience o “niche” na hindi nakapatungkol sa kung paano magtatayo ng business (katulad ng Online Network Marketing o ng Internet Marketing Mainstream).
Natatandaan ko noong mas bata ako, sinasabi ng mga nakatatanda na magaling akong magsulat at magaling ako mag-drawing. Kaya pwedeng ang “niche” ko ay pagkakitaan ang mga isinulat kong kwento, o kaya naman ay pagkakitaan ang mga drawings ko.
Halimbawa pa nito ay tungkol sa “dog training” – ang audience dito ay interesado sa maayos na pag-aalaga at pagtuturo ng aso, at handa silang gumastos para makamtan ang kanilang gusto para sa mga alaga.
Niche Marketing – Strengths
Katulad ng paggawa ng blog, maaari kang tumutok sa kung saan ka mahusay, at mag-alok ka ng products o services na kaugnay nito. Halimbawa, magaling ka sa paglalaro ng baraha, maaari kang magdaos ng tournament tungkol dito o kaya ay kumita sa pamamagitan ng pag-alok ng makabuluhang tips sa paglalaro.
Niche Marketing – Weaknesses
Kailangan ng matinding pagplano at pag-research ng niche mo; ito ang uubos sa oras mo. Kailangan matuto ka na magdala ng “targeted traffic” sa website mo, ito ay iyong mga taong interesado talaga sa niche na ito.
Niche Marketing – Opportunities
• Hindi ka mauubusan ng opportunity sa Niche Marketing! Kailangan lang na matukoy mo kung ano ang hinihingi ng mga tao sa niche na napili mo.
• Hangga’t maaari ay piliin mo ang niche na halos wala pang business owner na nagbibigay ng pansin.
Niche Marketing – Threats
• Bibihira ang isang niche o target audience na hindi pa covered ng mga business-minded na tao.
Chapter 3.6. Internet Marketing Mainstream
Maituturing na isang “niche” pa rin ang Internet Marketing Mainstream. Ang focus ng Online Business Model na ito ay makapagturo sa mga tao kung paano kikita ng pera sa pamamagitan ng Internet, kasama ang iba-ibang paraan ng promotions o marketing.
Internet Marketing Mainstream – Strengths
• Ito ang pinakamalaking niche market sa buong Internet at sa buong mundo! Kung meron kang produkto o programa na makakatulong sa mga tao na kumita ng pera, makatipid ng pera, o makapagbigay ng sistema para mas mapadali ang pagpapatakbo ng kanilang business, hindi ka mauubusan ng tagatangkilik.
• Ito ang niche market na lahat ng taong nakakaintindi ng magagawa ng Internet para sa kanila, ay handang gumastos at matuto!
Internet Marketing Mainstream – Weaknesses
• REQUIRED sa Internet Marketing Mainstream na matiyak mong kikita ang mga tao sa iyong produkto o sistema.
• Ito ang Online Business Model na may pinakamatinding competition. At kadalasan, pinagsasama-sama nito ang iba pang models para magdala ng makabuluhang resulta.
Internet Marketing Mainstream – Opportunities
• Gumawa ka ng survey sa mga nakapaligid sa iyo, alamin mo kung gaano karami ang kumikita sa pamamagitan ng pag-online? Ganyan karami ang opportunities!
Internet Marketing Mainstream – Threats
• Dito merong pinakamaraming manloloko; madalas kahit kapaki-pakinabang ang produkto o service o sistema mo, ayaw ng mga tao na ma-involve sa business mo kasi “kamukha” ng alok mo iyong alok ng nanloko sa kanila.
Chapter 3.7. Tunay na Eksena
Maraming nagtatanong sa akin kung paano ba kikita sa isang particular Internet-based company/ program. Ang suggestion ko tungkol dito, alamin muna ang “main focus” o pangunahing model ng company o program nila. Siyempre, kung ito ang main focus, siguradong dito nagmumula ang malaking bahagi ng kanilang kita.
Ang susunod na maaaring gawin ay pag-aralang mabuti ang training program mula sa company at mula sa leaders. At siyempre pa, anumang company ay merong product/ service, at sa pamamagitan nito kumikita. Kung walang product/ service ang company, marahil dapat iwasan o muling aralin ito. Tandaan na ang pinakamahalagang kasangkapan natin sa IM Industry ay ang ating credibility.
Sa pagsisimula ng chapter na ito, tinukoy ko na ang lahat ng kumikita sa Internet ay gumagamit ng kumbinasyon ng mga model na tinalakay ko. Magbibigay ako ng mga halimbawa:
Pinagkakakitaan ng Google at Facebook ang pagdadala ng traffic o marketing (Internet Marketing Mainstream) ng iba pang websites na nagbabayad sa kanilang advertisement. Tanging verified business owners/ representatives lang (Niche Marketing) ang pwedeng mag-advertise sa kanila. At dapat na mamili ng audience (Niche Marketing), ayon sa edad, saan nakatira, at pati online na ginawa ng mga tao.
Ang Upwork.com at Freelancer.com ay nakatuon sa Online Freelancing, para makapagbigay ng services sa mga naghahanap ng promotions ng kanilang business/ website (Internet Marketing Mainstream). Ang mga ito ay naniningil sa mga freelancers-sellers at naniningil din sa buyers (Affiliate Marketing). Ginagamit din nila ang kanilang Blog para mai-promote ang Online Freelancing nila.
Ang HotelsCombined.com ay para sa mga naghahanap ng hotel rooms (Niche Marketing). Wala silang pagmamay-ari na isa mang hotel, pero kumukuha lang sila ng commissions (Affiliate Marketing) mula sa bookings sa website nila.
Ayon sa pag- research mo o sa pagkonsulta sa may karanasan (tulad ko, pwede mo akong kontakin at tanungin), unti-unti kang matututo at matutukoy mo rin kung aling kumbinasyon nitong major business models ang dapat mong gamitin. Hindi kailangang pagsabayin lahat.
Narito ulit ang mga nangungunang Online Business Models:
Affiliate Marketing
Blogging
Online Freelancing
Online Network Marketing
Niche Marketing
Internet Marketing Mainstream
Pero sagutin na muna natin ang pinakamahalagang tanong ngayon..
Nasaan Ang Pera Sa Internet?
Balikan ang doc para sa susunod na bahagi..
Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.
Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.