Kabanata 2.

Ang Kailangan ng Bawat Filipino Internet Marketer

[ Gabay Para Kumita Online ]

ni Bro. Jayson Guevarra

Ang Kailangan ng Bawat Filipino Internet Marketer
(WHAT EVERY FILIPINO INTERNET MARKETER NEEDS)

 

Ang pangunahing intensyon ng paglunsad ng Internet ay upang mapadali ang pag-uugnay ng mga tao, kahit nasaan man sa mundo ang bawat isa.  Kahit sa larangan ng Internet Marketing o IM, ito ang kikilalanin nating prinsipyo.

 

Ang ugnayan o pagbubuo ng matagalang relasyon ang siyang dapat maging isa sa dalawang pangunahing tuon mo o umubos ng iyong oras sa iyong IM career!  Kaya nga may nagsasabi na hindi mo kailangan ng mahusay na talentong may kinalaman sa computers, para lang kumita sa Internet.  Kung naiintindihan mo na ito, maaaring laktawan mo na ang kabuuan nitong Chapter 2 at dumako ka na sa Chapter 3.

 

Pero kung gusto mong malinawan ka pa, naririto ang mahuhusay na paraan para magawa ito sa mas maikling panahon.  Hati-hatiin natin sa mga tanong:

 

  1. Kailangan ba/ Meron ba/ Sino ang Magtuturo sa Akin?

  2. Ano ang Ugali ng Isang Matagumpay na Internet Marketer?

  3. Dapat Ba Akong Magkaroon ng Sariling Website?

  4. Bakit Mahalaga ang Aking Email Address?

  5. Ano Ang Payment Processor at Kailangan Ko Ba Ito?


Mas madalas, kesa hindi, nahihirapan ang mga tao na kumilos kung walang gagabay o magsisilbing mentor, kahit anumang gawain ang pag-usapan.  Kahit pa nga tiyak tayo na may pagkakakitaan sa Internet sa kahit anong “niche”, nagiging pabigat sa atin ang kawalan ng direksyon.

========

Niche (ang pagbasa ay parang “nicht”) ang siyang tawag sa audience o target market na merong tukoy na kahingian.  Halimbawa, ang mga taong interesado sa “DOTA Games” at mga taong interesado sa “motorcycles” ay magkaibang niches.  Sa pagsisimula ng online business, makakatulong din na pumili ka ng niche na comfortable sayo.

========

Kaya nga ito ang unang-unang tanong na dapat sagutin ng Filipino na nagnanais makibahagi sa “promises of the online world.”

 

1. Sino ang Magtuturo sa Akin?

 

Kailangan natin ng isang gabay.  Kailangan natin ng tatayong tagapagturo natin.  O kaya naman ay, kailangan natin ang isang tao na may karanasan at makakapagbigay sa atin ng impormasyon bago pa man tayo magpasya, lalo sa isang bagay na maaaring mag-iba ng ating buhay tulad ng Internet Marketing.

 

Isa itong dahilan kung bakit binuo ko ang MATERIAL o RESOURCE na ito.  Nais ko sanang maituring ako bilang gabay, bilang mentor, bilang coach. Pero linawin natin ang ilang bagay.

 

Una, hindi ko sinasabing napakahusay ko o matagumpay na ako sa larangan ng IM.  Hindi naman ito tungkol sa akin.  Mas maraming tao diyan na mas malaki ang kinikita kesa sa akin sa pamamagitan ng Internet.  Ang tanong ko lang, sino sa kanila ang handang maging gabay o magbahagi ng kanilang kaalaman sa iba, lalo sa kapwa-Filipino?

 

Ngayon, palagay ko ay marami namang Filipino na handa namang magbahagi ng kanilang sarili, pero hanggang sa ngayon ay wala akong makitang MATERIAL o RESOURCE katulad ng ginawa kong ito.

 

Kung ikaw ay isa sa mga naniniwala sa prinsipyo ng pagtulong sa kapwa, may nakalaan akong paraan para magawa mo ito.  Ang buong detalye ay nasa Chapter 5.

 

Ikalawa, hindi ko rin sinasabing kung wala kang coach o mentor sa IM Industry ay hindi ka magiging matagumpay.  Sa totoo lang, maraming tao ang nagsimula ng kanilang IM career na walang nagtuturo sa kanila.  Pero napakakaunti ng mga nagtagumpay (siyempre, meron pa rin), na nagsasabing walang nagturo sa kanila.

 

Sa mga walang nagturo, kinikilala nilang napakamasalimuot ng pinagdaanan nila bago sila nakapagtagumpay, maraming nasayang na panahon at pera bago nila makuha ang kanilang nais.  At ito ang gusto nating bawasan o iwasan hangga’t maaari, diba?

 

Anumang larangan sa buhay, maraming nagiging madali dahil may nagtuturo.  Meron tayong teachers sa paaralan.  Malaking percent ng mga Filipino ang tinatayang hindi makatutuntong sa high school man lang o makakapagtapos nang kolehiyo, pero nagsisikap pa rin tayong makapag-aral.  Ang pagkatuto ay walang katumbas, ‘ika nga.

 

Ang paborito kong halimbawa ay sa basketball.  Si Michael Jordan at si Kobe Bryant ay merong coach sa katauhan ni Phil Jackson.  Ang crowd-favorite na Ginebra sa local scene ay may maalamat na mentor sa katauhan ni dating Senator Robert Jaworski.


Hindi rin naman ito tungkol sa kung sino ako, paalala ko lang.  Ang importante dito ay magkaroon tayong mga Filipino ng pagkakataong magdagdag ng pagpipilian.  Isang reference book nung nasa college pa ako ang nagbigay ng ganitong definition tungkol sa word na “Development”:

========

“Development is a process by which people, as individuals and as groups, are being able to expand their ability to choose.” – Todaro and Smith

 

========

Karagdagan ng mapagpipilian na maaaring pagkakitaan nang legal, ang siyang alok ko.

 

Sino ba ako at bakit ko ginagawa ito?

 

Narito ang maikling kwento nang pagkakapadpad ko sa online world.  Sa aking paghahanap ng trabaho, napansin ko na ang karamihan ng iniaalok ngayon sa mga nagtatapos ng kolehiyo (mula pa noong early 2000’s) ay nakapatungkol sa paggamit ng Computer at Internet.

 

Mga halimbawa mula sa aking karanasan:

 

Nagtrabaho ako bilang Data Security (Researcher) para sa isang Political Party.  Pumasok ako sa Call Center (isang BPO).  Dahil mahilig akong magsulat noon pa man, pinagkakakitaan ko simula pa taong 2003 ang pagiging freelance writer, at meron na akong clients sa pamamagitan ng Internet ng taong 2007.  Naging full-time Online Freelancer naman ako nang ikasal ako ng 2008.

 

Bago ako mapasabak nang full-time sa Internet Marketing ay inalok akong maging Assistant Trainer para sa isang Government office.  Ang gawain dito: turuan ang mga Government employees na 30 years old at pataas, tungkol sa paggamit ng Computer, pag-access ng Internet at makagawa man lang ng Email Address!

 

Totoong nangyayari ito!

 

May kaibigan akong nagbanggit sa akin ng isang kumpanya na may magandang track record daw para sa online freelancers.  At dito ko natuklasan ang napakalawak na “market” para sa mga kumikita online.

 

Oo, sobrang exciting, dahil mayroong mga nagbibitiw na ng regular na trabaho nila (mga Filipino) para lang tumutok sa online jobs!

 

Bakit pinipili na ng dumaraming Filipino ang kumita online?  Dahil totoong may pera sa Internet.  Isa pa, dahil may matitinding katangian tayong mga Filipino na angat sa iba.

 

At ang katangian natin ay higit pa sa kakayahang magsalita, makaunawa at makapagsulat ng English.  Maya-maya lang ay ilalahad ko na rin ito sa iyo.  

 

Pero sa ngayon ay magkasundo tayo: huwag mo na akong ituring na mentor kung ayaw mo, basta hayaan mo akong maging “kuya” mo tungkol sa IM Industry.

 

Ngayon, kung kumikita ka online nang higit sa $500 – $600 man lang sa loob ng isang buwan (oo, dollars ang usapin sa IM, dahil International ito), sana tulungan mo akong makagawa ng MATERIAL o RESOURCE na makakatulong sa ating mga kababayan.

 

Kapag isinagawa mo ang mga prinsipyo na ibinabahagi ko sa e-Report na ito, kikita ka ng extra $100 to $200 sa unang buwan mo ng paggamit ng aking sistema, dahil ganito ang nangyari sa mga naturuan ko. Ayokong mangako nang di ko matutupad, pero ang iiwanan kong salita sa iyo ay handa akong tulungan ka basta magpasya ka na gawin nang buong-puso ang inilalahad sa e-Report na ito.

 

Isa pa, kung foreigner ang magtuturo sa iyo, tiyak na mas matatagalan siyang makibagay at makiramay sa ating sitwasyon dito sa Pilipinas.  Ano sa palagay mo?

 

Ating ituloy…

 

2. Ano ang Ugali ng Isang Matagumpay na Internet Marketer?

 

Ang maging matulungin at matiyaga.

Kung nakalimutan mo na ang konsepto ng bayanihan, mahirap nga sagutin ang tanong na iyan.  Pero kung handa kang mag-refresh, iyon lang ang simpleng sagot.  Kahit ako, ang gusto kong mangyari ay matulungan ka.

Sa pamamagitan ng e-Report na ito, sinusubukan kong isabuhay ang nararapat na ugali ng isang Internet Marketer.

========

“You can achieve everything you want in life, if you just help enough people achieve what they want in their lives.”

-Zig Ziglar

 

========

May kultura tayong mga Pinoy na maging matulungin sa isa’t-isa, lalo sa panahon ng kagipitan.  Noong namemeste ang mga unos tulad ng Bagyong Ondoy, nakita naman natin ang pagdagsa ng tulong sa iba’t-ibang anyo.  Ganito rin ang nangyari sa pagputok ng Taal Volcano, kahit  maging sa kasagsagan ng Coronavirus PandemicAt worldwide pa nga kumilos ang mga Pinoy!

 

Gayunpaman, iyong karanasan ng bansa sa pagdating ng mga bagyo ay maitutulad din natin sa IM, sa dalawang pangit na punto.

 

Una, may mga taong gusto nating tulungan pero ang tanging gusto lang ng mga taong ito ay tumanggap lang ng tulong; ang ganitong tao ay mahirap tulunganIkalawa, may mga taong gusto nating tulungan, pero ayaw nila ang tulong na iniaalok natin. Sila ‘yung mga taong di natin matutulungan, hangga’t hindi magbago ang kanilang pananaw.

 

Tandaan: Ang kahit anong pinagkakakitaan ay isang business. Dalawa lang ang uri ng business: (1) business of YOUR boss, at (2) YOU ARE THE BOSS of your business.

 

Batay sa pag-aaral, ang bawat matagumpay na business ay laging merong problemang binibigyan ng solusyon. Ang ganyang prinsipyo ay hindi rin nagawang baguhin ng Internet, kundi pinagtibay pa nga.

 

Ngayon, kahit nasa iyo ang solusyon, tanggapin mo na di lahat ng tao ay matutulungan mo.

 

Huwag kang mabibigla.  Tinataya na ang response percentage o ang pagtugon sa anumang iniaalok sa Internet (ayon sa International Internet Marketers) ay 1000:1.  Ibig sabihin, isa lang sa isanlibong makakakita sa offer mo o program mo ang siyang tutugon.  Ito ang pinaka-conservative estimate na matatawag at hindi masasabing “batas”.  Pero mas mabuting ito muna ang ating asahan sa ating pagsisimula.

“Bakit ganun?  Akala ko ba madali lang kumita sa Internet?” – maaaring ganyan ang maging reaction mo.

 

Simple lang ang paliwanag dito.  Siyempre, nagawang i-multiply ng Internet ang kumpetensiya.  Ibig sabihin, napakaraming tao din na gustong kumita ang may iniaalok na katulad marahil ng alok mo!

 

Pero huwag mag-alala – sa pamamagitan ng e-Report na ito ay ipapaalam ko ang katangian ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagkakakitaan sa Internet.  Ang narito ay naaayon sa aking pansariling karanasan at resulta rin ng matinding research.

 

“Teka, teka, sonjay.  Wala naman akong produkto.  Wala rin akong sariling website.  Paano ako kikita sa pamamagitan ng Internet?”

 

Isa-isahin natin ang mga issues na iyan. Kahit wala kang produkto ay mayroong paraan para magkaroon ka.  Tandaan mo, walang business na walang “produkto.”  Hindi ka kikita nang walang produkto na nabibili.

 

Sa regular na trabaho nga – binibili ng kumpanya ang oras at kakayahan mo.  May mga Internet-based companies na binabayaran ka sa dami nang ma-click mo. Ang tawag dito ay Pay-Per-Click (PPC) Programs.  Pero hindi ko iyan tatalakayin dito sa e-Report na ito dahil sa panahon ngayon, itinuturing na itong labag sa batas.

 

Sa susunod na chapter, Chapter 3, ay ilalahad ko ang mga paraan kung paano maaaring kumita gamit ang computer at Internet lang, at siyempre oras, kahit wala ka pang naiisip na sarili mong produkto o services.

 

Pero bago ko ibunyag iyan, ang mas makabubuting tugunan natin ngayon…

 

3. Dapat Ba Akong Magkaroon ng Sariling Website?

 

Kahit na maraming magsasabi sa iyo na di mo kailangan ng sarili mong website, 98.89% na mas mainam na meron ka nito.  Mapalalawak ang iyong online world sa mga bagay na di mo pa naiisip sa ngayon, pero magiging napakahalaga sa iyo sa katagalan, kung kukuha ka ng DOMAIN NAME at HOSTING SERVICE para sa sarili mong paid website.


Kung ikukumpara ang WEBSITE bilang real property, ang DOMAIN NAME o pangalan ng website (tulad ng facebook.com) ay maituturing na titulo, at ang HOSTING SERVICE naman ang siyang lupa na tinatayuan ng WEBSITE.  Ganyan ang bumubuo sa isang “fully-functional” na website.

PASINTABI: Ang ipinakita ko dito ang “average” na gastusin para magkaroon ng sariling website. Bago ka mag-alala, nais kong malaman mo na hindi kita kukumbinsihin o kukulitin.   Pero kung matukoy mo na kailangan mo at gusto mo ng WEBSITE na magdadala sa iyo ng pagkakakitaan, tutulungan kitang magsimula sa napakaliit na halaga.

 

At dahil nga tinutukoy natin ay kumita sa pamamagitan ng Internet, ang sarili mong website na “online bahay” mo ay “business venue” mo rin.  Ang pagkakaroon mo ng website ay nagpapatunay na totoong tao ka at magtatagal ang business mo.

 

Ayon sa pag-aaral, mas nakatutulong pa sa website owner ang pagkakaroon ng kanyang sariling website, dahil nagtatagal siya sa kanyang business.  Nakaugnay ito sa credibility o reputation – maraming nahihirapang magtiwala sa business owners na walang website dahil maaaring anumang oras ay tumigil din ang business operations nila!

 

Ikaw pa rin ang magdesisyon tungkol sa pagkuha ng sariling website, pero sigurado na sa katagalan ay kukuha ka rin, lalo kung seryoso ka na kumita sa Internet.

 

Maaaring magsimula kang maging online earner na wala ka pang website. Pero napaka-imposible na kumita sa Internet kung wala kang email address.

 

4. Bakit Mahalaga ang Aking Email Address?

 

Pansinin mo: ang unang hinihingi sa iyo ay Email Address, para mabigyan ka ng information online, o para ma-contact ka.  Ang pinakaunang magiging patunay ng iyong “paninirahan” o pagnenegosyo online ay Email Address mo.

 

Iyong mga libreng email address accounts, ang problem ay hindi 100% ang pagdating sa iyo ng emails mo, dahil sa dami ninyong umaasa sa free service.  Marami ring limitations, at madalas ang ads na makikita mo ay yung hindi naman relevant sa interes mo o sa kung saang bansa ka nakatira.

 

Ang libreng Email Address din ay madaling mapalitan.  Kumbaga sa cellphone, parang sim card na prepaid.  Kung may “monthly plan” ang sim card ay iingatan mo ito diba?

 

Kung ang website mo ang maituturing mong “bahay”, ang Email Address mo naman ang maituturing mong “silid” o bedroom.  Hindi dahil ito ang tulugan, pero dahil ito ang pinaka-personal sa lahat ng mga “pinupuntahan” o ginagamit mo sa Internet.

 

Madalas na ikaw lang ang merong “susi” ng email mo o password, ikaw lang ang may karapatang makapagpapasok sa loob.

 

Ganyan kahalaga ang email address.

 

Ihalintulad natin sa isang restaurant naman.  Kapag sinabi ng may-ari na maganda ang “location” ng restaurant dahil maraming tao na nagpupunta, ibig sabihin ay marami ang maaaring kumain doon.

 

“Maaari.” Maraming tao ang nakakakita o nakakapansin na merong restaurant. Napakahalaga na nito sa business owner!

 

Ang pinakamadalas na pinupuntahan ng mga may pinagkakakitaan sa Internet, ay ang INBOX ng kanilang EMAIL.  Ang Email Address pa nga ang siyang susi rin para maka-join ka sa Social Networks tulad ng Facebook o Instagram o Linkedin. Dito rin ipinapadala ang instructions para mabago ang passwords.

 

Lilinawin ko. Makakapagsimula ka sa isang maayos na online business, kahit wala kang website.  Pero sobrang limitado ang magagawa mo, online, kapag wala kang Email Address – pwede pa nga nating maituring na imposible …!

 

Ganyan ka-sagrado ang Email Address sa IM.

 

Isa pang patunay?  Simple.  Ang Email Address mo ang paraan upang magbayad at mabayaran ka sa pinakamabilis at tiyak na paraan.  Kaya tutungo tayo sa susunod na tanong…

 

5. Ano Ang Payment Processor at Kailangan Ko Ba Ito?

 

Ang payment processor ay isang third party company o maituturing na “middle-man”; tinitiyak ng payment processor na dadaan ang palitan ng salapi sa pagitan ng mga nagnenegosyo at customers bago makuha ang products o services.

 

Samakatuwid, ang payment processor ay kailangan mo para mabayaran ka!

 

Ang problema kasi, mas nakararami ang nag-iisip na hindi nila kailangan ang payment processor sa pag-aakalang higit na ginagamit ito para gumastos, at dahil lahat ng ito ay nanghihingi ng credit card details.

 

Naturalmente!  Ang payment processor ay mabigat na patunay na totoong tao ang bumibili, nagbebenta at nagnenegosyo sa Internet!  Tinitiyak ng payment processors na tukoy ang isang indibiduwal o organisasyon, sa pamamagitan ng credit cards.  

 

Sa ganitong proseso, hindi na nila kailangang magsagawa ng research o investigation, dahil nagtitiwala ang payment processors sa bank na nag-issue ng account information.

========

Expert Tip: Nararapat lang na gastusan ang isang bagay na magdadala sa iyo ng karagdagang kita!

 

========

Ano ang magandang balita para sa iyo dito?  Ibig sabihin, ang kahandaan mong magbayad, ay katumbas ng kahandaan mong mabayaran!

Ang pinakasikat na payment processor ngayon ay ang PayPal, dahil sa bilis ng nagagawang transaksiyon nito at ligtas mula sa panloloko o pang-aabuso.  Kaya nga nakipag-partner na ang Yahoo! Company mismo dito sa PayPal. Nahulaan mo kung ano ang kailangan para magbukas ng PayPal account? Tama, email address.

 

Libre lang ang pag- open ng account sa PayPal, at maaaring gamitin mo ang iyong Bank Savings Account para dito mai-withdraw (transfer) ang perang ibinayad sa PayPal Account mo, hindi mo pa kailangan ang credit/ debit card. At kung ikaw ang magbabayad, pwede ring magamit ang naka-enroll o naka-connect na bank account mo.

 

Maaaring tumanggap ng debit card ang mga payment processors, kung “International” ang cards na gagamitin mo. International ang card na merong logo ng MasterCard, Visa, American Express, at iba pa ayon sa partners ng mismong payment processor na pinili mo.

 

Dito sa Pilipinas, ang ilang bank tulad ng BDO, Metrobank, at Union Bank ay nag-aalok ng debit card na MasterCard.  Ito ang pwede mong gamitin at iugnay sa iyong payment processor account, katulad ng PayPal.


Ang maraming malalaking kumpanya tulad ng Google ay nagbabayad sa pamamagitan ng PayPal, na nagpapakita ng tiwala at partnership.

========

Google, Bing, ay mga malalaking Internet-based company na matatawag na multi-purpose, pero nangungunang service nila ay ang pagiging Search Engine. Sa kabila ng pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI) platforms, Search Engines pa rin ang maituturing na pinakamalakas na promotion o advertising medium sa Internet.

 

========

Bukod sa PayPal, kilala rin at mapagkakatiwalaan ang malalaking payment processor companies na Stripe, Payoneer, at 2Checkout.  Maraming online companies ang nakikipag-partner din sa higit sa isang payment processor para sa mas malawak at mabilisang transactions.

 

Closing Chapter 2: Summary of Important Points

 

Ang Internet Marketing ay pagbubuo ng relationships.  Ito ay kahit ano pa ang iyong target market o “niche” na matatawag.

 

Lahat ng “kagamitan” o “tools” na kailangan ng isang Internet Marketer ay hindi lamang iyong makakapaglagay sa kanya ng pera, bagkus ay iyong makakapagpataas ng kanyang credibility at gagawin siyang mapagkakatiwalaan.

 

Sa Chapter na ito, natuklasan natin ang kailangan para maihanda ang Filipino sa Internet Marketing:

 

  1. Pagkakaroon ng gabay o tagapagturo

  2. Ugaling makapagpapaunlad sa IM – ang Bayanihan o likas na pagtulong sa iba at ang pagtitiyaga (matuto at mag-alok)

  3. Pagpapasya sa pagkuha ng sariling website

  4. Pagkakaroon ng maayos na Email Address, makakatulong din kung merong “alternate Email” na pang-business

  5. Pagkumpleto ng requirements para sa isang pansariling payment processor account

 

Nagtanong ako sa isang daan (100) na Filipino, at ayon sa data na nakuha ko, 4 out of 5 sa mga kailangan na nabanggit dito ay meron sila!  Ibig sabihin, mas malamang na handa nga ang Filipino sa IM!


Tanong ko sa iyo – ilan ang meron ka sa listahan na binanggit ko dito? Ano ang kulang mo?  Kontakin mo ako para pag-usapan natin kung ano ang pwede mong gawin kulang man o kumpleto ka sa nakalista dito.

 

Sa susunod na chapter, mapag-aaralan naman ang iba-ibang business model.

 

Highly Recommended next steps!

Ang team namin ay weekly na merong ZOOM meetings, at pati Face-to-Face na get-together para sa tuloy-tuloy na trainings at tulungan sa kitaan.

Mag- PM / email ka lang para magkita-kita tayo kung saan ka malapit o kung paano at kung pasok ba sa schedules natin pare-pareho.

YES, libre pa rin ang ganitong trainings.